-- Advertisements --

Panibagong tagumpay na naman ang naiukit sa pangalan ng beauty queen na si Catriona Gray.

Nagwagi kasi ito bilang Best Female Host award sa 2023 Aliw Awards.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan habang hawak ang trophy at pinasalamatan ang nasa likod ng 36th Aliw Awards.

Bukod sa pagiging Miss Universe 2018 ay kilala din ito sa pagiging host kung saan napili siyang host ng Binibining Pilipinas at Miss Universe noong mga nakaraang taon.