-- Advertisements --

Lubos ang kasiyahan ni 2018 Miss Universe Catriona Gray dahil nakalikom na ng mahigit P1 million ang sinusuportahan nitong grupo.

Layon kasi ng nasabing grupo ang magbigay ng pagkakakitaan ang mga mahihirap at libreng face mask.

https://www.instagram.com/p/CE340wmA5RI/

Sa Facebook post ni Gray, nakapal mayroon ng P1.15 million na donasyon ang nalikom ng Mask4AllPH na ito ay pinangungunahan ng Bayanihan Musikahan coalition.

Ang nasabing halaga ay pansahod sa 71 na mga mananahi na gumawa ng mahigit 19,000 na face mask para sa komunidad.

Patuloy pa rin ang pahingi nito ng tulong para maging malawak ang matutulungan ng grupo.