Personal na lumipad patungong Las Vegas, Nevada, si 2018 Miss Universe Catriona Gray mula New York City para suportahan si Senator Manny Pacquiao sa kaniyang laban kay undefeated Keith Thurman.
Kabilang ang 25-yeat-old Fil-Australian beauty sa entourage ni Pacquiao nang dumating ito sa MGM Grand Arena, kasama si Jinkee Pacquiao at ang kaibigan nito na si Chavit Singson.
Suot ni Manny ang kulay puting jacket at black jogging pants.
Sa instagram post ng beauty queen, “Vegas! Here to support Filipino pride manny Pacquiao. Laban Pilipinas!!!”
Aminado si Catriona na ito ang kauna-unahan niyang manood ng boxing bout na live.
“Its my first acually,” pahayag ni Catriona Gray sa isang panayam.
Suot ni Catriona ang kaniyang Miss Universe sash at isang simpleng pink jumpsuit.