-- Advertisements --

Kalmadong sinagot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang isang netizen na bumatikos sa kanya dahil sa ibinahagi nitong litrato sa kanyang instagram account.

Ito ay patungkol sa panghihinayang ng beauty queen dahil hindi siya makakabisita ngayong summer sa iba’t ibang dagat sa Pilipinas.

Komento ni @maecy sa litrato ni Catriona, “Holy week is not for vacationing.”

Nang makita ito ni Catriona ay may poise pa rin nitong sinagot ang netizen.

“Yes, I agree. Holy Week is not about vacationing. Holy Week is a very meaningful time for Christians (like me), Catholics and other faiths but as I speak to an audience of an array faiths and beliefs, within and outside of the Philippines, I want to be inclusive with the conversations I pose on social media,” ani Catriona.