-- Advertisements --
MIss U Catriona Magayon Gray
Catriona Magnayon Gray

Mistulang ipinapasa-Diyos na lamang ni 2018 Misa Universe Catriona Magnayon Gray ang sunod-sunod na tila pasaring ng Fil-German actor at kanyang ex boyfriend na si Clint Bondad.

Nag-post kasi ang pang-apat na Pinay Miss Universe ng bahagi ng lyrics ng religious song na “See a Victory,” partikular ang tungkol sa kadiliman na hindi kailanman magwawagi.

Wala ring bakas ng “bad vibes” sa 26-year old half Australian beauty na tubong Bicol, bagkus ay nagbubunyi pa dahil nakahakot na ng 10 million followers sa Instagram.

Nabatid na naghintay sa wala ang mga netizens sa naging banta ni Clint na may isisiwalat siya kahapon, July 17.

Duda ng mga netizens, hindi pa talaga naka-move on si Bondat sa anim na taong relasyon nila ni Gray na ngayon ay may bago nang pag-ibig.

Ito ay sa piling ng 10 years older sa kanya na si Sam Milby.