-- Advertisements --
Catriona Gray
Catriona Gray/ IG post

Maraming fans ni Miss Universe Catriona Gray ang nahihiwagaan kung may relasyon na ba sila ng isang basketball player mula sa De La Salle University.

Ito ay matapos ang pagkalat ng larawan sa social media na katabi sa upuan ni Catrion si Green Archer Jordan Bartlett.

May caption pa ito ni Bartlett na isang karangalan na magkasalamuha niya ito sa hapunan kasama ang ibang kaibigan nila.

Magugunitang hiwalay na si Cat sa kaniyang nobyong si Clint Bondad nitong taon matapos ang anim na taong relasyon.

Jordan Bartlett
Jordan Bartlett/ IG post

Paglilinaw naman ng stylist na si Ton Lao na nataon lamang na nandoon si Barlett sa dinner na pinangunahan ni Cat.

Na-delete naman agad ni Barlette ang nasabing larawan matapos na ito ay mai-post.