-- Advertisements --

Nakatakdang masagawa ng digital series ng kulturang Filipino si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Ito ang isa sa kaniyang proyekto bilang arts ambassador ng National Commission for Culture and the Arts (NCAA).

Sinabi nito na kinuha niya si director Floy Quintos na siyang gagawa ng “Kultura 101 with Catriona” na siyang ipapalabas sa mga susunod na araw.

Umaasa ito na makikibahagi ang mga tao at matutunan ang mga kulturang Filipino.

Itinuturing niyang isang malaking karangalan ang pagiging arts ambassador ng NCCA.