-- Advertisements --

Lumalabas umano ang lambing side ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray kung pag-uusapan kung ano siya, bilang girlfriend ng aktor na si Sam Milby.

Pambihirang pagkakataon ito para sa 27-year-old half Australian beauty mula Bicol na magdetalye hinggil sa kanyang love life.

Ayon kay Cat, taliwas sa nakagawian sa kanya na pagiging bubbly o mataas ang energy, siya ay introvert o ‘yaong tao na kaya ring mapag-isa.

Sa uri kasi aniya ng kanyang trabaho ay obligado lang siya na maging extrovert o ‘yaong madaldal kahit sa ibang tao.

“And I allow myself to just almost be like childlike because, obviously, like being in the limelight, and being in the public eye, I always have this feeling, like, I have to hold myself to a certain standard,” saad nito sa #LivewithG3.

Kung ilalarawan naman ang kanyang 36-year-old boyfriend, very sweet si Sam kung saan mahilig daw itong magbigay ng regalo kaya may mga oras na naninibago siya.

“Actually, hindi ako masyadong relate sa gifts because out of all the love languages, that’s the one that I don’t have… I am one of those people that doesn’t know how to accept gifts well. I feel hiya. But he’s very, very sweet. But, yeah, he’s really acts of service and time so we are able to relate to each other very well,” dagdag nito.