-- Advertisements --

Isang linggo matapos ipasa ang kanyang Binibining Pilipinas-Universe crown, nananatili sa Pilipinas si Catriona Magnayon Gray.

Nataon ito sa pagdiriwang ng Father’s Day ngayong June 16, pero abala ang 25-year-old Fil-Australian beauty sa mga aktibidad kaugnay pa rin sa kanyang Miss Universe duties.

Catriona little
“Happy Fathers Day to my papa bear and all the amazing fathers out there! 🥰 Thank you daddy for always being such a strong role model for me, and for always giving your all for our family. I would not be the woman I am today if not for you – but I’ll always be your little girl at heart,”

Gayunman, hindi nakalimutan ni Cat na batiin ang kanyang dayuhang “papa bear” at maging sa lahat ng mga ama.

Noong nakaraang Linggo nang koronahan ng Bicolana beauty queen ang successor nitong si Gazini Ganados para sa 2019 Miss Universe.

talisay
Gazini and Gray/Bb. Pilipinas Twitter image

Ang 23-anyos na si Ganados ay ipinanganak sa Dapitan City pero lumaki sa Cebu at may lahing Palestinian mula sa kanyang ama na hindi pa nito kailanman nakikita.

Kung maaalala, sa New York naman nagdiwang ng Mother’s Day noong Mayo ang pang-apat na Pinay Miss Universe kasabay ng midterm elections mode sa Pilipinas.

Labis ang pasasalamat ni Gray dahil nadala na raw nito ang mga magulang sa New York kung saan naroon ang headquarters ng Miss Universe.