-- Advertisements --

Nagpapasalamat si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray na bumuti na ang pakiramdam nito kasabay din ng paghupa aniya ng maulan na panahon sa New York.

Nabatid na “back to base” na uli ang 25-year-old Fil-Australian beauty matapos ang dalawang linggong pagpasyal sa kanyang home country.

Ayon sa pang-apat na Pinay Miss Universe, mahalagang pakinggan ang ating katawan lalo na kung hinahana-hanap din ang pahinga sa kabila ng pagiging ganado sa trabaho.

Sa ngayon aniya ay target niya muna ang bumawi ng tulog habang weekend.

“I’m finally feeling a little better after being under the weather for the last couple of days 🤒 it’s so so important to allocate time to really listen to your body and to BE AT REST. 😌 (Although I have to admit I struggle with this because my mind is constantly wanting to be productive.🙋🏽‍♀️) So after three straight weeks of work and a whole lotta’ jetlag…. my current state this weekend is 😌😴😴😴,” caption nito sa kanyang latest online post.

Kung maaalala, ang pagbisita ni Gray sa bansa ay upang personal niyang ipasa ang Binibining Pilipinas-Universe crown nitong Hunyo 9 kung saan naging successor niya ang half Palestinian na si Gazini Ganados.

Noong nakaraang Linggo naman kasabay ng Father’s Day sa Pilipinas ay inilaan pa rin ng Bicolana beauty queen ang oras nito sa kanyang Miss Universe duties.

Gaganapin ang 68th Miss Universe sa South Korea ngayong taon pero wala pang petsa.