-- Advertisements --

Inilaan ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ang unang araw ng pagtatapos ng kanyang home quarantine, sa passion nito sa musika.

Isa ang 27-year-old half Australian beauty na tubong Bicol sa mga napiling singer na nagsimula nang mag-record para sa kanilang magiging parte sa star-studded na bagong recording sa awiting “Bagani.”

Ito ang magsisilbing theme song para sa pinaghahandaang selebrasyon ng National Quincentennial o ang 500th anniversary ng tagumpay sa Mactan noong April 1521 na siyang naging hudyat ng Kristiyanismo sa bansa.

Makakasama ng pang-apat na Pinay Miss Universe sina Noel Cabangon, Bayang Barrios, Juris, Dulce at mismong “Bagani” composer na si Roel Rostata.

Nasa line up din ang ilang singers mula Cebu at iba pang rehiyon.

“First day out of quarantine went something like,” caption ni Gray sa kanyang larawan habang nasa recording studio.

Kung maaalala, kinailangang mag-quarantine ni Cat matapos ang naging Christmas and New Year celebration nila ng celebrity boyfriend na si Sam Milby sa ibang bansa.

Sa Amerika na rin ipinagdiwang ni Gray ang kanyang birthday sa pamamagitan ng simple pero romantic date nila ng 36-year-old singer/actor kung saan walang cake pero mayroon namang home made birthday pizza.

Samantala, ayon sa beteranong musician-producer na si Jungee Marcelo, kinakabahan siya pero gagawin nito ang kanyang “best” para maiparating pa rin sa mga mamamayang Pilipino ang makabuluhang mensahe ng awitin sa gitna ng pandemya.

Bagani by Cat
“This girl can saaaang, galing! Fun recording online sesh with the awesome CATRIONA.”

“If not for the pandemic, it would have been easy — having one recording assembly like ‘We Are the World.’ But now it’s triple hard blending the recordings. It’s like a puzzle,” ani Marcelo sa ABS-CBN.

Hanga si Marcelo sa talento ni Cat sa pag-awit at isinapubliko ang snippet o bahagi ng recording session ng beauty queen.

Ang “Bagani” ay produkto PhilPop Bootcamp 2019 at ngayo’y may partnership na sa National Quincentennial Committee, National Historical Commission of the Philippines, at National Commission for Culture and the Arts.