-- Advertisements --

Hinimok ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ang lahat ng mga nakakaramdam ng panghihina ng loob na huwag magpatalo.

Pahayag ito ng 25-year-old Fil-Australian beauty kasabay ng pagbunyag na ilang linggo na pala siyang “feeling low and down” ngunit hindi binanggit ang dahilan.

Ayon kay Cat, kahit siya mismo na Miss Universe ay mayroong mga pinagdadaanan pero tinitiyak din sa sarili na hindi tatambayan ang naturang pakiramdam, bagkus ay sasalubungin ang panibagong araw na mayroong pag-asa.

Sana aniya ay magawa pa rin na maging kalmado ng lahat ng mayroong problema dahil lahat naman ay binibigyan ng pagsubok sa buhay.

“It’s been a really challenging last couple of weeks, I’ve felt really low in my spirit. I just wanted to write this post to share that low moments happen to all of us.
When I find myself feeling down and overwhelmed; where things are out of my control, it helps to remind myself that the only person I can control is myself, to count all the things I have to be grateful for and to plan and look forward to the dawn of a new day. 🌤 so if you’re feeling down in the dumps, you’re never alone. Situations and life are tough…but so are you. #KeepCalmAndLavaWalk 🔥🌋”

Cat with Pac

Noong nakaraang linggo lang sa laban ni Sen. Manny Pacquiao kontra Keith Thurman sa Las Vegas, ay isang nakangiting Catriona pa ang nakita ng publiko habang iwinawagayway nito ang bandila ng Pilipinas sa loob ng boxing ring.

Naging usap-usapan pa ang kumalat na video sa internet kung saan makikitang natutulog si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson habang nakaupo at katabi ang pang-apat na Pinay Miss Universe.

Dito ay muntik nang mapasandal si Chavit sa balikat ni Gray ngunit biglang nagising ito kaya hindi natuloy.

Chavit Catriona
Chavit Singson and Catriona Gray