Nanawagan na rin si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray sa buong mundo na ipagdasal ang mga kababayang Pinoy na sinalanta ng magkasunod na malakas na lindol nitong Lunes at Martes.
Sa post ng 25-year-old Fil-Australian beauty, hangad daw nito na saglit na ipagdasal ng international community ang Pilipinas.
Kasabay nito ay nanawagan ang Pinay Miss Universe na manatiling alerto at sundin ang nakasaad sa earthquake preparedness information.