Aminado si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray na masakit sa pakiramdam at hindi dapat kunsintihin ang body-shaming o panlalait sa istura ng isang tao.
Ilan lamang ito sa mga sinagot ng 25-year-ol Fil-Australian beauty sa game nitong QnA (question and answer) online activity sa kanyang mga followers nitong weekend.
Ayon sa pang-apat na Pinay Miss Universe mula Bicol, ipapaalala nito sa lahat ng mga nakakaranas ng panlalait na ang tunay na kagandahan ay makikita higit pa sa pisikal na kaanyuan.
“Body-shaming is hurtful and should never be tolerated,” ani Gray.
Pahayag ito ni Cat sa gitna ng kontrobersyal na online incident kung saan inilarawan siyang mataba ng Thai wannabe beauty queen na si Coco Arayha Suparurk, kompara raw kay 2018 Miss Grand International 2018 Clara Sosa mula sa Paraguay.
Dito ay inulan ng batikos si Suparurk.
“Online and off (bullying and bashing)– it is never, ever okay to put someone down for the sake of ‘expressing your opinion.’ With words come power and we should be using those words to build someone up and not pull them down,” sagot naman ni Gray sa isyu ng bullying.
Una nang naiulat na tinanghal si Suparurk bilang 2019 Miss Grand Thailand International.
Isa sa makakalaban nito sa October 25 coronation sa Venezuela ay ang Cebuana beauty na si Samantha Ashley Lo.
Noong nakaraang taon ay bigo ang pambato ng Pilipinas na si Eva Psychee Patalinjug na makapasok sa Top 20 ng Miss Grand International.