-- Advertisements --
Sam with Cat on 27th bday
“No birthday cake, only homemade birthday pizza.”

Bakas kay 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray na naging makabuluhan pa rin ang kanyang nagdaang kaarawan.

Unang birthday ito ng half Australian beauty na tubong Bicol nitong January 6 na naabutan ng coronavirus pandemic.

Sa isa rin pambihirang pagkakataon, naghayag ng kilig si Cat tungkol sa “birthday getaway” niya kasama ang boyfriend na si Sam Milby.

Katunayan ay nag-post ng maiksing video ang pang-apat na Pinay Miss Universe hinggil sa aniya’y simple pero romantic date nila ng 36-year-old singer/actor sa isang nirentahang “rustic cabin.”

Makikita sa video na sila mismo ang naghanda ng kanilang homemade pizza at cheese plate na inilagay ni Milby sa isang center table kalapit ng fireplace.

Ayon kay Gray, si Sam ang nag-organisa ng kanilang date na iyon.

Una rito, may mga kumwestyon hinggil sa mas pinili raw ng beauty queen turned celebrity na hindi makasama ang kanyang pamilya na nasa Australia sa nakalipas na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ito’y dahil sa larawan nito kung saan sa video call lamang nito nakausap ang mga magulang sa mga nabanggit na mahalagang okasyon.

Catriona 2020 holidays 4 1

Pero ayon sa birthday girl, isyu sa travel restrictions at quarantine regulations ang dahilan kung bakit hindi nito napuntahan ang ama at ina.

Napag-alaman na kapwa walang post ang magkasintahan na magkasama, maliban na lamang sa mga pahapyaw ni Cat kung saan siya ay mayroong ka-holding hands.

Nariyan din ang post ng personal assistant ni Milby kung saan sa screenshot ng video call nila ay makikitang kumportable sa pagkakaupo si Sam habang nakahiga naman sa kanyang dibdib si Catriona.