Inamin ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray na trabaho pa rin ang pagkakaabalahan nito ngayong Holy Week.
Ito’y kahit pa tahimik itong nagbalik uli sa Pilipinas noong nakaraang linggo para sa ilang commercial endorsement, ngunit babalik na rin sa New York na siyang headquarters ng Miss Universe Organization.
Ayon sa 25-year-old Fil-Australian beauty, masaya siya sa saglit na pag-uwi sa home country at nakasama ang ilang malapit na kakilala.
“Super happy because I was able to fly home to the Philippines for a quick visit to do some shoots (coming soon) and spread joy,” caption ng pang-apat na Pinay Miss Universe sa latest photo nito.
Hinggil naman sa pananaw nito sa Holy Week, naniniwala ang Bicolana beauty queen na magiging makabuluhan ang spiritual contemplation hindi dahil sa lugar, kundi dahil sa taong kasama natin gaya ng ating pamilya.
“I don’t really think it matters about the place, it’s who you’re with and your state of mind. So definitely, surrounding yourself with your family, or even escaping to nature, or any place that allows you to reflect and to connect in a quiet place with God or whatever your beliefs system is. It’s not the place it’s who you’re with,†paliwanag ni Gray.
Samantala, excited na si Cat sa susunod na pag-uwi sa bansa sa darating na Hunyo para sa coronation night ng 2019 Binibining Pilipinas kung saan kokoronahan na ang bagong batch ng mga magiging kinatawan natin sa iba’t ibang major beauty international pageant
“I’m definitely looking forward to coming back here in June,†ani Gray.