-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restriction ang Cauayan City simula mamayang hatinggabi, October 15, 2021 hanggang alas-12:00 ng madaling araw ng October 30, 2021.

Batay sa inilabas na Executive Order number 79-2021, mananatli pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocol pangunahin na sa tamang pagsusuot ng double mask at face mask maging ng social distancing.

Ipatutupad pa rin ang number coding scheme sa pamamasada ng mga tricycle sa lungsod.

Ang Cauayan City ay mayroong 264 Coronavirus disease 2019 (COVID-19) active cases kahapon matapos magtala ng 42 na panibagong kaso.

Umabot naman sa 274 ang recoveries.

Ang barangay San Fermin ang nagtala ng pinakamaraming active casea na umaabot sa 38, sumunod ang District 1 na mayroong 29, barangay Cabaruan na may 21 active cases habang ang barangay Minante uno ay mayroong 20 active cases.

Mamayang hatinggabi naman ay magtatapos na ang hybrid GCQ bubble na naunang ipinatupad sa Cauayan City.