Cauayan City District Jail, nananatiling COVID-19 free
CAUAYAN CITY – Nanatiling COVID-19 Free ang Cauayan City District Jail dahil sa patuloy ang mahigpit na pagpapatupad sa mga health protocols sa loob ng piitan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni JChief Insp. Bonifacio Guitering, District Jail Warden ng Cauayan City District Jail na hanggang ngayon ay COVID-19 ang pinamumunuang piitan dahil sa pinagpit ang pagpapatupad sa mga health protocols sa loob.
Ipinagbabawal din ang mga kamag-anak ng mga person deprived of liberty (PDL) na dumalaw at pumasok sa loob ng piitan.
Ang ginagawa na lamang ay pinapayagan ang mga PDL at mga kaanak na mag-usap sa pamamagitan ng video call.
Ipinagbabawal din ang pagdadala ng mga lutong pagkain para sa mga PDL ngunit pinapayagan naman nila ang pagdadala ng iba pang pagkain na maaring idis-infect maging ng mga gamot at bitamina.
Nililimitahan din ang pagbibigay ng mga damit maliban na lamang sa mga bagong pasok na PDL
Idinagdag pa ni Jail Chief Insp. Guitering na ang mga bagong pasok na PDL ay kinakailangang sumailalim sa antigen test at ang mga hindi sasailalim nito ay isasailalim sa 21 day quarantine sa hiwalay na selda bago ihalo sa mga kapwa PDL
Nagkukulang anya ang aintigen test kit kaya nakiusap sa BJMP ang PNP na kung maaring tanggapin kahit walang antigen test result na kanilang ipinaalam BJMP National Office at pinagbigyan naman ito basta sasailalim sa tatlong linggong quarantine ang bagong PDL bago siya ihalong sa iba pang PDL na ipinatupad noong buwan ng Hulyo.