CAUAYAN CITY – Tuluyan nang gumaling ang kauna-unahang naitalang kinapitan ng COVID-19 Delta variant sa Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni City Mayor Bernard Dy ng Cauayan City na kaya nila ito ipinatupad ang mahigpit na health protocols noong mga nakaraang buwan ay dahil nakapasok na ang mas nakakahawang variant ng COVID-19 na nananalasa na ngayon sa ilang bansa tulad ng Amerika, Great Britain, India at South Africa.
Ang maganda anya dito ay tuluyan nang gumaling ang pasyente at hindi nakapanghawa sa kanyang mga closed contact.
Nilinaw naman ni Mayor Dy na hindi ito ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Cauayan noong mga nakaraang araw.
Sa ngayon ay patuloy ang paalala ng pamahalaan sa mga residente na palaging sumunod sa mga health protocols dahil nakapasok na ang Delta variant sa siyudad.