-- Advertisements --

Cauayan City, nagtala ng 119 panibagong kaso ng COVID-19 CAUAYAN CITY- Nagtala ng 119 panibagong kaso ng COVID-19 ng Lunes ang Cauayan City.

Batay sa ulat ng City Health Office hinihintay pa mga CV Codes mula sa DOH-Region 2 ng mga panibagong nagpositibo.

Dahil dito pumalo na sa 355 ang kabuoang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 ang Lunsod ng Cauayan.

Karamihan sa mga nagpositibo ay dahil sa household transmission kung saan nangyayari na may isang kapamilya na lumabas ng bahay at nadapuan ng virus at kaniyang naipasa sa kaniyang mga kapamilya.

Muling nagpaalala ang City Health Office sa publiko na iwasan ang paglabas sa kanilang mga tahanan at lumabas lamang Kung kinakailangang bumili ng mga kinakailangan tulad ng mga pagkain at gamot.

Tiyakin din na sundin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, obserbahan ang 1-meter physical distancing at maghugas ng kamay o maligo agad pagkarating ng bahay bago makihalubilo sa mga kapamilya.