-- Advertisements --
Cauayan City- May naitalang isang panibagong positibong kaso ng COVID-19 ang Cauayan City
Siya ay si CV994, 70 anyos na, biyuda at residente ng Barangay San Antonio, Cauayan City.
May kasaysayan siya ng paglalakbay sa Quezon City at umuwi sa Isabela September 6, 2020.
Idineretso naman kaagad siya sa quarantine facility sa bayan ng Cordon kaya mula nang siya ay dumating sa Isabela hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa siya nakakauwi sa kaniyang pamilya sa Cauayan City.
Ang pasyente ay asymptomatic o hindi nagpakita ng anumang sintomas ng COVID-19.
Sa ngayon ay mayroon ng dalawampu’t anim na kaso ng COVID-19 ang Cauayan City.