-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Dead On the spot ang dating kumandidatong Sanguniang bayan member sa Boundary ng barangay Durok at barangay Buenavista, Angadanan, Isabela.

Ang biktima ay si Elderson Albano, 44 anyos may asawa residente ng Dipaluda, Angadanan,Isabela.

Sa exsklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa asawa ng biktima na si Ginang Aireen Albano kaninang umaga ay magpaalam ang mister na bisitahin ang taniman ng pakwan subalit nagulat na lamang sila ng malamang tinambangan ng hindi pa kilalang mga pinaghihinalaan habang lulan ng kanyang motorsiklo.

Ayon kay Ginang Albano, wala naman umanong nababanggit ang kanyang Mister na nakaalitan.

Aniya bagamat natalo nuong nakaraang halalan ang kanyang asawa ay wala umano siyang planong kumandidato muli.

Samantala, Itinuturing naman na mabait at walang kaaway ng kanyang nakababatang kapatid na si Ginang Jenifer Albano Marinay ang biktima

Ayon kay Ginang Marinay, masaya pa ng huling nakasama niya ang kanyang kuya sa selebrasyon ng kanyang kaarawan noong August 30, 2020.

Hindi naman inaalis ni Ginang marinay na may kaugnayan sa pulitika ang isa sa maaaring dahilan ng pagpatay sa kanyang kapatid.

Nanawagan naman ng mas malalimang imbestigasyon ang pamilya ng biktima sa naturang krimen.