-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nauwi sa tensyon ang sana’y mapayapang caucus ng mga kandidato ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Barangay Bungca Barotac Nuevo, Iloilo.

Ito’y matapos tinutukan ng armas ng mga diumano’y goons ni dating Barotac Nuevo Mayor Hernan Biron Sr., si Antonio Parcon na kumakandidatong konsehal sa bayan ng Barotac Nuevo, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Executive Master Sargeant Glen Fortunes, deputy chief of police ng Barotac Nuevo Municipal Police Station, sinabi nito na nasa kalagitnaan ng kanyang talumpati si Parcon nang nilapitan ng tatlong goons kung saan isa sa mga ito na kinilalang si Bernie Villanueva ang tumutok sa kanya ng baril.

Nahaharap naman sa kasong grave threat si Villanueva ngunit hindi na narekober pa ang kanyang armas matapos na itinapon bago pa man dumating ang mga pulis.

Kaugnay nito, kinondena ni Atty. Marven Daquilanea na kumakandidatong kongresita sa ikaapat na distrito sa lalawigan ng Iloilo sa ilalim ng PDP-Laban, ang ginawang pangha-harass sa kanilang causus ng mga miyembro ng Nationalista Party.