Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Cleveland Cavaliers upang tuluyang umusad sa semis ng western conference.
Muling dinumina ng Cavs ang hardcourt sa pangunguna nina Donovan Mitchell, Evan Mobley, at Darius Garland.
Kontrolado ng Cavs ang unang dalawang quarter ng laro at nagbulsa ng 17 point-lead sa halftime, 78 – 51.
Bumawi naman ang Miami sa 2nd half ngunit tanging walong puntos ang nagawang burahin mula sa 17 points halftime deficit.
Sa loob ng 40 mins na paglalaro, nagpasok si Cleveland guard Tyler Herro ng 33 points at anim na rebound. Halos gumawa naman ng triple-double ang bigman na si Bam Adebayo sa kaniyang 11-14-9 performance.
Tinapos ng eastern conference top team ang laban sa score na 121 – 112 at ibinulsa ang dalawang panalo sa 7-game series kontra Miami.
Bagaman napanatili ng Miami ang episyenteng opensa (52% overall), nagawa ng Cavs na magpasok ng 22 3-pointers sa kabuuan ng laban at halos hindi rin mag-mintis sa free throw line(21-23).
Sampung beses ding ninakawan ng Cavs ng ball possession ang Miami at pinilit itong gumawa ng 13 turnover, gamit ang mahigpit na depensa.
Magsisilbing host naman ang Miami Heat sa susunod na dalawang laban ngunit kung aabot pa sa Game 5 ay muling babalik sa homecourt ng Cavs ang laban