-- Advertisements --

Naitala ngayon ng Cleveland Cavaliers ang ikapitong sunod na panalo matapos na itumba ang Atlanta Hawks, 116-95.

Hindi nagpabaya ang pitong player ng team na umiskor ng 106 total points sa pangunguna ni Donovan Mitchell at Sam Meriill na may tig-18 points, Dean Wade na may 17 points, ang big man na si Jarrett Allen ay 14 points,11 rebounds at 14 points din para kay Georges Niang

Nagbuhos din ng 13 points 7 assists si Max Strus habang 12 points naman si Isaac Okoro para banderahan ang Cavaliers.

Nagawang tuldukan ng Cavaliers ang tatlong sunod-sunod din na panalo ng Sixers na kabilang naman sa nakikipag-agawan sa top 8 spot sa Eastern Conference.

Wala ring nagawa at nasayang ang tig 20 plus points nina Jalen Johnson at Dejounte Murray habang