-- Advertisements --

Panalo ang Cleveland Cavaliers laban sa Utah Jazz sa kabila ng hindi paglalaro ng tatlo nitong starter na sina Donovan Mitchell, Evan Mobley, at Darius Garland.

Tinapos ng Cavs ang laban, 124 – 116.

Naging sandalan ng Cavs ang bench na si Sam Merrill na kumamada ng 27 points habang tatlong iba pang bench player ang nagpasok ng double-digit scores: 15pts ang ipinasok ni Georges Niang, 23 big points kay Caris Levert, at 10 points kay Tristan Thompson.

Para sa mga starters ng koponan, tanging sina Jarrett Allen at Max Strus ang gumawa ng double-digit scores. 17 points kay Allen habang 18 kay Strus.

Sa panig ng Jazz, nasayang ang 26 points ni Lauri Markkanen, kasama ang 11 rebounds.

Sa pagtatapos ng 3rd quarter, hawak ng Jazz ang 1-pt lead ngunit agad kumamada ang Cavs ng 32 points sa buong quarter habang nilimitahan lamang sa 23 points ang Jazz.

Sa kabuuan ng game, nagawa ng Cavs na magpasok ng 23 3-pointers mula sa 51 attempts. Umabot lamang sa 13 3-pointers ang naging kasagutan ng Jazz mula sa 30 na tinangka nitong maipasok.

Sa kasalukuyan, hawak ng Cavs ang 16 – 12 na win/loss record habang 10 – 18 naman ang Jazz