-- Advertisements --

Nakatakdang manumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Martes Oktubre 8 bilang susunod na kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Cavite Governor Jonvic Remulla.

Ang nasabing pagtalaga sa kaniya ay kinumpirma ng kapatid nitong si Justice Secretary Jesus Remulla.

Dagdag pa ni Remulla na makakatulong ang kapatid sa pagsasaayos ng sistema ng hustisya sa bansa.

Magugunitang nagbitiw sa puwesto si DILG Secretary Benhur Abalos dahil ito ay tatakbo sa pagka-senador.

Dahil dito ay binawi ni Remulla ang kaniyang certificate of Candidacy sa muling pagtakbo nito sa gobernador.