-- Advertisements --

Itinalaga ng Philippine Olympic Committee (POC) si Cavite Governor Jonvic Remulla bilang official chef de mission (CDM) para sa 2024 Paris Olympics.

Papalitan nito si amahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na tumangging hawakan ang posisyon dahil sa pagiging abala sa mga posisyon na hawak nito.

Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino, na naitindihan nito ang kalagayan ni Panlilio kaya minabuti na pumili agad na kapalit at ito ay sa katauhan ni Remulla.

Ang 55-anyos na si Remulla ay honorary chairman ng rowing association at team manager ng men’s basketball team ng University of the Philippines.