-- Advertisements --
Sinuspendi ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang lahat ng pasok sa paaralan sa buong probinsiya bukas Setyembre 2 dahil sa bagyong “Enteng”.
Ayon sa gobernador na bago ang desisyon ay nagpulong muna sila ng mga ahensiya at nagpasya sila na isuspendi ang pasok sa lahat ng antas public o private sa buong probinsiya.
Ito ang naging rekomendasyon ng kanilang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) dahil inaasahan ang malakas na pag-ulan na dala ng nasabing bagyo.
Magugunitang ibinababala ng hilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magdadala ng malawakang pag-baha at malakas na ulan ang bagyong “Enteng”.