Hindi pinagbigyan ng Supreme Court (SC) ang petisiyon para sa pag-isyu ng writs of amparo at habeas corpus na inihain ng mga magulang ng 19-anyos na si Alicia Jasper (AJ) Lucena laban sa youth group na Anakbayan.
Sa desisyon na isinulat ni SC Chief Justice Diosdado M. Peralta, nagdesisyon ang kataas-taasang hukuman na ibasura ang petisyon dahil sa kawalan ng merito.
Kung maalala nagpasaklolo sina Francis at Relissa Lucena sa SC dahil ayaw daw ibigay sa kanila ng Anakbayan ang kanilang anak na si AJ.
Ipinaliwanag ng korte kaugnay sa amparo, sa kasalukuyang formulation ay nakatuon lamang sa mga instances ng extralegal killings o enforced disappearances at mga banta.
Sinabi pa ng korte na ang sitwasyon ni AJ ay hindi maituturing na actual o threatened enforced disappearance o extralegal killing.
Hindi rin naman umano nawawala si AJ at ang kinaroroonan nito ay natukoy naman dahil nakatira ito sa mga opisyla ng Anakbayan.
Sa isyu ng writ of habeas corpus, ipinaliwanag ng korte na base sa Rules of Court ang writ bilang remedy ay applicable sa mga kaso ng illegal confinement o detention at ang biktima ay napagkakaitan ng kanyang kalayaan.
Ayon sa SC hindi naman umano lumalabas na si AJ had ay napagkaitan ng kanyang kalayaan.
Bigo umano ang mga petitioners na magpakita ng ebidensiya na nakaditine si AJ o itinatago ng Anakbayan na labag sa kanyang loob.
At dahil 18-anyos na raw si AJ, sa mata ng estado ay mayroon na itong karapatang gumawa ng kanyang sariling desisyon.