BOSTON – Mistulang masaker ang ginawa ng defending champion na Cleveland Cavaliers nang tambakan nila ang Boston Celtics sa score na 130-86 sa Game 2 ng Eastern Conference finals.
Umabot sa 44 points ang naging kalamangan ng Cavs para ipalasap ang “worst playoff loss” sa homecourt ng Boston.
Para naman sa Cavaliers ang 130 points na score ay pinakamalaki na naitala ng isang NBA franchise sa playoff game sa kasaysayan.
Si LeBron James ay kumamada ng 30 points, habang si Kevin Love ay may 21 points at 12 rebounds, samantalang si Kyrie Irving ay nagdagdag ng 23 points.
Minalas pa ang Boston dahil pagsapit ng second half ay hindi na nakalaro ang kanilang star player na si Isaiah Thomas bunsod ng hip injury.
Pero sa puntong ‘yon nasa 41 points na ang kalamangan ng Cleveland.
Nagtapos lamang si Thomas ng anim na assists, dalawang free throws at hindi naipasok ang anim na mga tira.
Nanguna sa bigong kampanya ng Celtics ang rookie na si Jaylen Brown na may 19 points, Avery Bradley na nag-ambag ng 13 at si Al Horford naman ay nagpakita ng 11 points at five rebounds.
Ang Game 3 ay gagawin na sa teritoryo ng Cavs sa Lunes.