-- Advertisements --

ATLANTA – Nagpaulan ng three point shots ang Cleveland Cavaliers upang idispatsa ang Atlanta Hawks sa score na 135-130.

Gumawa ng 25 three pointers ang NBA defending champions para basagin ang dating record ngayong NBA season.

Nanguna sa opensa ng Cavs sina Kyrie Irving na may 43 points at ang NBA MVP na si LeBron James na may 38 points para pigilan ang pagtatangka ng Hawks na gumawa ng rally sa huling bahagi ng laro.

Sa first half pa lamang ay naging high scoring na ang game sa pamamagitan ng walang humpay na palitan ng tira.

Pero naging impresibo ang diskarte ng Cavs.

Nagpakitang gilas din ang bagong recruit ng Cavs na si Kyle Korver.

Sa panig ng Atlanta, nanguna naman si Tim Hardaway Jr. sa kanyang limang 3-pointers para sa kabuuang career-high na 36 points.

Si Paul Millsap ay nagbuslo ng 27.

Samantala bago maitala ng Cleveland ang 25 out of 46 na 3-pointers, ang Houston Rockets ay meron namang 24 na three point shots na kanilang naitala sa panalo 122-100 laban sa New Orleans noong December 16, 2016.