-- Advertisements --

Hawak na ng Cleveland Cavaliers ang 3-2 na kalamangan sa best of seven Eastern Conference first round playoffs matapos malusutan ang Orlando Magic 104-103.

Nanguna sa panalo ng Cavs si Donovan Mitchell na mayroong 29 points habang mayroong 23 points si Darius Garland at mayroong 14 point, 13 rebounds si Evan Mobley.

Naging susi si Mobley ng matapalan niya si Franz Wagner sa layup nito sa natitirang 5.1 segundo ng laro.

Ayon kay Cavaliers coach J.B. Bickerstaff na kahanga-hanga ang ginawa ni Mobley na siyang nagpakita ng magandang depensa laban sa Magic.