-- Advertisements --

Mahaharap ngayon sa malaking hamon ang Cleveland Cavaliers para maitabla sa 2-2 ang serye nila ng Boston Celtics sa Eastern Conference semifinals.

Ito ay dahil sa hindi pa nila tiyak kung makakapaglaro ang kanilang star guard ng Cavs na si Donovan Mitchell.

Nagtamo kasi ito ng strained left calf sa ilang minutong natitira noong natalo ang Cavs 106-93 noong Game 3.

Hindi na ito nakabalik sa laro sa natitirang dalawang minuto at inilabas na ito sa playing venur.

Bukod pa kasi ay Mitchell ay hindi na nakapaglaro ang center nila na si Jarrett Allen dahil sa rib injury.

Habang ang top-seeded na Boston ay nananatiling hindi nakakapaglaro ang kanilang sentro na si Kristaps Porzingis na dinapuan ng calf injury.