-- Advertisements --
Malaking hamon ngayon para sa Cleveland Cavaliers sa pagharap nila sa Boston Celtics sa Game 2 ng kanilang Eastern Conference Semifinals.
Ito ay dahil sa hindi paglalaro ng kanilang star player na si Jarrett Allen dahil sa injury.
Sa unang laro kasi ay sinamantala ng Celtics ang home court advantage kung saan tinambakan nila ang Cavs 120-95.
Nasa fourth seed sa Eastern Conference ang Cavs na mayroong 48 panalo at 34 na talo habang ang Celtics ay nasa first seed na mayroong 64-18 record.
Tinalo ng Cavs ang Orlando Magic sa first round ng playoffs sa pitong laro habang ang Celtics ay tinalo ang Miami Heat sa limang laro.