-- Advertisements --

Tuloy-tuloy ang pamamayagpag ng Cleveland Cavaliers sa regular season matapos tambakan ang Golden State Warriors, 136 – 117.

Dahil dito, hawak na ng Cavs ang 10 – 0 win/loss record. Ang Cavs ang tanging koponan sa NBA na nagbulsa ng naturang record mula noong magawa ito ng Warriors noong 2015 – 2016 season.

Mistulang nagpista ang Cavs ng tambakan ang Warriors ng 39 big points sa pagtatapos ng 1st half ng laro.

Pinilit din ng Warriors na bumangon sa 3rd quarter at agad nagpasok ng 41 points kontra sa 29 points ng Cavs. Gayunpaman, masyadong malaki na ang diperensya ng Cavs upang mahabol ng Warriors sa pagtatapos ng laro.

Muling nagpakita ng magandang opensa ang Cavs sa pamamagitan ng 27 points ni Darius Garland, 23 points mula kay Evan Mobley, at 20 points mula sa bench at dating Warriors player na si Ty Jerome.

Hindi naman naisalba ni Steph Curry ang kaniyang team matapos malimitahan lamang sa 12 points habang 3 points lamang ang nagawa ng shooter na si Buddy Hield.

Ito ang ikalawang pagkatalo ng GSW ngayong season, hawak ang pitong panalo.