Todo papuri ang inaani ngayon ni NBA superstar LeBron James matapos na bitbitin ang Cleveland Cavaliers sa panalo kontra sa Boston Celtics at e-extend ang serye sa Game 7 sa Eastern Conference finals.
Tinawag ni Cavs coach Tyronn Lue na pinakamalupit at malahalimaw muli ang performance ni LeBron. Sabi pa niya, “greatness.”
“I think championship pedigree. You know, giving it his all. We needed that, especially when Kevin went down,†wika pa ni Lue.
Ito ay matapos na magtala ng halos triple double at sensational performance si James na may 46 big points, 11 rebounds at nine assists para talunin sa game six ang Boston, 109-99, at itabla ang serye sa tig-tatlong panalo.
Ayon kay James pagkatapos ng laro, tulad daw ng pangako niya na binigyan pa sila ng buhay ay kinuha nga nila ang Game 6 kahit abanse sa serye ang karibal na team.
Sinabi pa ni LeBron masarap umano ang pakiramdam na umabot sa Game 7 dahil sa ito ang “best two words” sa sports.
Kaya naman dapat daw samantalahin ng mga fans ang ganitong oportunidad, magsaya at mag-enjoy.
“It feels good just to be able to play for another game,” ani James. “Like I’ve always said, Game 7 is the best two words in sports.”
Nakatulong naman ni LeBron sa panalo si George Hill na kumamada ng 20 points, at si Jeff Green ay nagtapos sa 14 na puntos.
Sa kabila nito hindi naman nakatapos ng laro si Kevin Love makaraang magtamo ng injury.
Sa first quarter pa lang ay inalis na sa game si Love dahil sa banggaan nila sa ulo ni Boston’s Jayson Tatum.
Sa panig ng Celtics nasayang ang diskarte nina Terry Rozier na may 28 points at Jaylen Brown na nagbuslo ng 27 points.
Kung tutuusin ay naging gitgitan ang bakbakan ng dalawang team kung saan nakalapit ang Celtics sa pito puntos sa huling tatlong minuto ng laro.
Pero dito muling umeksena si James nang maipasok ang magkasunod na 3-pointers.
Sa ikalawang pagpasok ng bola ay nagbunyi si LeBron kasabay nang pagsuntok sa dibdib niya na sinabayan nang sigawan at standing ovations ng 20,562 fans sa loob ng sold out crowd na Quicken Loans Arena at isinisigaw ang “Cavs in 7!”.
Halos walang humpay ang inilagi sa court ni James na pinagpahinga lamang ng dalawang minuto.
Batay naman sa dating record ni James sa kanyang naging teams, namayani siya 5-2 kung umabot sa Game 7.
Ito na ang ika-pitong 40-point game na naiposte ni James sa postseason para mapantayan si Michael Jordan.
Sa kampo naman ng Boston malaki ang kanilang bentahe kung pagbabatayan ang kanilang record sa kanilang homecourt.
Nitong postseason kasi ay hawak ng Cetics ang malinis na 10-0 record sa kanilang teritoryo sa TD Center.