-- Advertisements --

INDIANAPOLIS – Pasok na sa second round ng NBA playoffs ang defending champions na Cleveland Cavaliers matapos na ma-sweep sa 4-0 ang best-of-seven games nila ng Indiana Pacers.

Sa kanilang laro kanina, hindi na pinabayaan pa ng Cavs na makalamang ang Pacers sa score na 106-102.

Muling isinalba ng four-time MVP na si LeBron James ang team para maagang pagbakasyunin ang karibal na Pacers.

Nagtala si James ng ng 33 points, 10 rebounds, four assists, four steals at two blocks sa kanyang all around game.

Matapos na iposte ni James ang kanyang ika-21 sunod na panalo sa first round game, binasag niya ang record ng iba pang  basketball greats na sina Michael Cooper, Magic  Johnson at James Worthy na “longest streak” sa ilalim ng kasalukuyang format ng NBA.

Napantayan naman ni James ang career record ni Tim Duncan na nagretiro na rin.

Samantala, para sa Pacers masakit na muli silang maitsapuwera dahil sa Cleveland.

Sa loob kasi ng anim na taon, ito na ang ika-apat na beses na na-eliminate ng Cavs ang Indiana at na-sweep pa sila.

Maging sa season games, abanse ang Cavs na hawak ang 7-1 record laban sa Pacers.

Ang inabangan ng marami na matinding matchup sana sa pagitan nina James at Paul George ay hindi natupad.

Minalas pa si George dahil pumuntos lamang ito ng 15.

Aminado ito na nakakadismaya ang pangyayari, dahil paulit-ulit silang natalo sa iisang team at sa katauhan ni LeBron.

Nanguna sa opensa ng Pacers si Lance Stephenson na may 22 points.

Habang tumulong naman kay LeBron sina Kyrie Irving sa pamamagitan ng 28 points, Deron Williams na nagdagdag ng 14 at si Kevin Love ay may 16 rebounds.

Si Tristan Thompson naman ay may 11 rebounds.