-- Advertisements --

Pasok na sa ikalawang round ng NBA Playoffs ang Cleveland Cavaliers matapos na ma-sweep nila 4-0 ang Miami Heat.

Sa Game 4 ay tinambakan ng Cavs ang Heat 138-83 para patunayan na sila ang nangungunang koponan sa Eastern Conference.

Ang 55-points na kalamangan ay siyang pinakamalaking puntos sa kasaysayan ng NBA playoff.

Nanguna sa panalo ng Cavs si Donovan Mitchell na mayroong 22 points at anim na ibang manlalaro ang nagtala ng double figures.

Susunod makakaharap ng Cavs ang sinumang manalo sa pagitan ng Indiana Pacers at Milwaukee Bucks.