Nakatakdang pumirma ng contract extension si Cleveland Cavaliers guard Donovan Mitchell.
Ang naturang kontrata ay nagkakahalaga ng $150.3 million at magtatagal ng tatlong taon.
Nakapaloob sa extension deal ni Mitchell ang $54 million na player option pagsapit ng 2027 – 2028 season.
Sa kasalukuyan ay mayroon pang isang taon na nalalabi sa kontrata ni Mitchell ngunit minabuti ng Cavs na alukin ito ng extension bago pa man matapos ang kontrata.
Si Mitchell ay isa sa mga pinakamagaling na scorer ng NBA kung saan nagawa niyang maitala ang 71 points na pinakamataas na score sa kasaysayan ng Cavs.
Nitong nakalipas na season, nagposte siya ng 26.6 ppg, 5.1 rpg, 6.1 spg, at 1.8 spg, habang namentene ang 46.2% na overall shooting.
Sa dalawang season na pananatili niya sa Cavs, gumawa siya ng average na 27.5 ppg, 5.2 apg and 4.6 rpg per game.
Nitong nakalipas na season, pinangunahan ni Mitchell ang Cavs upang bumalik sa playoffs ngunit kalaunan ay tinalo din ito ng Boston Celtics na siyang kinoronahan bilang 2024 NBA champion.