-- Advertisements --

Nakatakdang igawad kay Cleveland Cavaliers forward Kevin Love ang Arthur Ashe Courage Award para sa kanyang mga nagawa sa pagsusulong ng mental health.

Tatanggapin ni Love ang nasabing parangal sa ESPY Awards na gaganapin sa Los Angeles.

Ayon sa Cavaliers star, malaking karalangan para sa kanya na tanggapin ang naturang award.

“In telling my story, if I can help just one child that is suffering to make sense of what they are experiencing, I know my efforts have been worth it. And I hope one day we are able to erase the stigma around mental illness, starting with public conversations around mental health and encouraging people to seek help when they need it, followed by research, action, and change,” wika ni Love.

Kung maaalala, hindi itinago at bukas na ikinuwento ng five-time All-Star sa publiko ang kanyang paglaban sa anxiety, dahilan para tulungan din ng NBA ang kanilang mga players na tugunan ang kanilang mga emotional issues.

Ipinangalan sa sikat na tennis champion, pinaparangalan ng Arthur Ashe Award ang mga personalidad na nakagawa ng malaking kontribusyon sa lipunan.

Ilan din sa mga ginawaran ng nabanggit na award sina Muhammad Ali, Billie Jean King, Nelson Mandela, Pat Summitt at Kaitlyn Jenner.