CHICAGO – Muli na namang nakatikim nang masaklap na pagkatalo ang NBA defending champions na Cleveland Cavaliers at sa pagkakataong ito ay sa kamay ng Chicago Bulls, 93-99.
Ito na ang ikatlong sunod na talo ng Cavs, para lalo silang malampasan ng Boston Celtics sa ikalawang puwesto sa Eastern Conference.
Hindi umubra ang big game ng NBA MVP na si LeBron James na nagtala ng 26 points at 10 rebounds.
Sa kasaysayan ng NBA si James na ang nasa ikapitong puwesto sa all time career scoring list.
Nalagpasan na niya si Shaquille O’Neal makaraang makatipon siya ng 28,599 sa kabuuan ng kanyang career.
Sa kabila nito, aminado si LeBron na dismayado siya at tinawag pa niya na nasa “bad spot” ang kanyang team na maaaring tulad din sa nangyari sa kanila tatlong taon na ang nakakaraan.
Ngayong buwan kasi ng March hindi maganda ang ipinakita ng Cavs na meron lamang 6-10 win-loss record.
Samantala sa panig ng Bulls bumida si Nikola Mirotic matapos na mapantayan ang kanyang season highs na 28 points kasama na ang 3-pointers.
Tumulong din si Jimmy Butler ng 25 points para sa 36-39 record ng Chicago.