Lumasap ng ikalawang pagkatalo ang Cleveland Cavaliers matapos na pahiyain ng Indiana Pacers sa score na 102-106.
Labis ang panghihiyang ng Cavs dahil sa third quarter ay abanse pa, pero nakahabol ang Pacers para itala ang ikalawang panalo bilang bahagi ng NBA preseason games.
Nanguna sa bigong kampanya ng Cavs ang bagong miyembro na si Dwayne Wade na may 20 points.
Si Kevin Love ay meron lamang nine points pero umabot naman sa pito ang kanyang rebounds.
Habang ang Cavs superstar na si LeBron James ay hindi pa rin naglaro dahil sa nagpapagaling pa sa injury.
Sa hiwalay namang laro, namayani ang Detroit Pistons laban sa Atlanta Hawks sa iskor na 109-87.
Ito na ang ikalawang talo ng Hawks sa tatlong laro, habang ang Detroit ay isang panalo at isang talo.
Nanguna sa pagwagi ng Detroit si Avery Bradley na may 18 points.
Samantala, bumida naman si Kyrie Irving sa kanyang 21 points upang dalhin ang Boston Celtics sa ikalawang panalo kontra Philadelphia Sixers sa iskor na 110-102.
Kung maalala si Irving ay nanggaling sa Cleveland.
Ipinagmalaki naman ng team na unti-unti nang nagagamay ni Irving ang sistema ng koponan kung saan nagtala pa siya ng tatlong assists at dalawang rebounds.