CLEVELAND – Hindi pinaporma ng NBA defending champions na Cleveland Cavaliers ang Detroit Pistons makaraang tambakan sa iskor na 126-96.
Hindi rin napigilan ang reigning MVP na si LeBron James na idomina ang laro sa pamamagitan ng panibagong triple-double peformance na kanyang ika-52 beses na.
Nagtala si James ng 16 points, 11 rebounds at 12 assists.
Tumulong din si Kyre Irving sa kanyang 26 points para sa 44-22 win-loss record ng Cleveland.
Sa sobrang gigil ni LeBron sa laro ay nakabanggaan pa niya sa rebound ang partner na si Irving.
Hindi tuloy mapigilang mapangiti ni Cavaliers coach Tyronn Lue sa nangyari sa kanyang dalawang best players.
“I’m not going to let him stay on the floor,” ani James na nagulat din na nasa harapan niya si Kyre. “I gotta get my guy up and make sure I get the ball up the court before the eight-second violation.”
Aminado tuloy ang Detroit (33-34) coach na si Stan Van Gundy na naging “lopsided game” ang nangyari.
Nanguna sa kanilang talunang kampanya si Tobias Harris na may 17 points.
Bago ito ay apat na talo na ang nalasap ng Cavs sa loob ng limang huling laro. (AP)