Tuluy-tuloy sa paggawa ng kasaysayan ang Cleveland Cavaliers matapos maibulsa ang ika-15 magkakasunod na panalo ngayong araw kontra Charlotte Hornets, 128 – 114.
Ang naturang team ang tanging koponan na hindi pa natatalo ngayong season
Dahil sa panalo, ang Cavs ang ika-apat na team sa kasaysayan ng NBA na nakapagbulsa ng 15 – 0, sunod sa Houston Rockets (15 – 0), Washington Capitols (15 – 0), at ang 24 – 0 na Golden State Warriors (2015 – 2016).
Nagawa ng Cavs ang naturang panalo sa kabila ng hindi paglalaro ng star player na si Donovan Mitchell, sa tulong na rin ng tatlong bagitong player na pawang gumawa ng double-double.
Pinalitan ni Darius Garland si Mitchel sa no. 1 position at nagbulsa ito ng 25 points at 12 assists habang 23 points at 11 rebounds din ang kontribusyon ni Evan Mobley.
Hindi rin nagpahuli ang sentrong si Jarrett Allen at nagpasok ng 21 points at kumamada ng 15 rebounds.
Walang nagawa ang Hornets para pigilan ang magandang opensa ng Cavs (57.1% overall shooting), sa kabila pa ng 31 pts. at 12 assists double-double performance ng point guard na si laMelo Ball.
Ang naturang panalo ay sa kabila rin ng 20 3-pointers na ipinasok ng Charlotte sa kabuuan ng laro.
Dahil sa pagkatalo, nabaon pa sa 8 loss ang Hornets, hawak ang limang panalo sa unang 13 games nito ngayong season.