Naibulsa ng Cleveland Cavaliers ang ika-31 panalo nito ngayong season matapos patumbahin ang kulelat na Charlotte Hornets, 115 – 105.
Dominado ng Cavs ang naging laban sa kabila ng limitadong minuto na inilaro ng mga star player nito.
Sa pagtatapos ng laro, kumamada si Darius Garland ng 25 points, 19 points kay Donovan Mitchell, 19 points, 11 rebs kay Jarett Allen, at 17 points kay Evan Mobley.
Ang mga naturang player ay naglaro lamang sa limitadong panahon o mas mababa sa 30 mins.
Nasayang naman ang tig-24 points na ipinasok ng dalawang Charlotte guard na sina LaMelo Ball ayt Brandon Miller.
Muling dinumina ng Cavs ang paint area tulad ng mga nakalipas nitong laban kung saan 48 mula sa kabuuang 115 points nito ay ginawa sa ilalim ng paint.
Muli ring ipinakita ng Cavs ang magandang team play matapos itong kumamada ng 29 assists
Napanatili ng Cavs ang apat lamang na pagkatalo sa loob na ng ilan lingo kung saan nagawa nitong maipanalo ang huling sampung laban
Sa panig ng Hornets, ito na ang ika-27 na pagkatalo nito habang nananatili naman sa pito ang naipanalo nitong laban.