-- Advertisements --

Suportado ng National Unity Party (NUP) si Taguig City Representative-elect Alan Peter Cayetano sa kanyang speakership bid.

Sa isang statement, sinabi ni NUP Chairman Ronaldo Puno na susuportahan ng kanilang partido ang mga kandidato na napatunayan na ang kanyang competence at kakayahan na suportahan at isulong ang mga programa at polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The NUP will support the candidate who supports President Duterte and has the broadest government experience, who can eloquently represent the Congress and the country in interactions with foreign counterparts,” ani Puno.

Naniniwala si Puno na si Cayetano ang nararapat sa posisyon lalo pa at siya ay dati na ring kongresista, senador at kalihim ng Department of Foreign Affairs.

Maliban kay Cayetano, apat pang kongresista ang nagnanais na tumakbo para sa speakership post.

Kabilang dito sina Leyte Representative-elect Martin Romualdez, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Pampanga Representative Aurelio “Dong” Gonzales, at Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.