-- Advertisements --

Walang dapat na ikaalarma sa isyu ng umano’y pagpasok muli ng mga barko ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Pagtitiyak ito mismo ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano nang magpunta ito ngayong araw sa Kamara para sa executive session sa West Philippine Sea special committee.

Gayunman, tumanggi ang kalihim na kumpirmahin o pabulaanan ang balita na patuloy pa rin ang build up ng presensya ng mga barko ng China sa nasabing mga lugar.

Hindi naman daw din niya masabi kung maghahain sila ng diplomatic protesta pero kanya namang tiniyak na patuloy ang kanilang komunikasyon sa China.

Dagdag pa ni Cayetano, iba ang stratehiya ng Duterte administration kompara sa pinairal ng nakalipas na administrasyon.

Ito’y dahil mas nakatutok aniya sila ngayon sa peace and dialogue sa halip na mag-protesta.