Ipinauubaya na umano ng Malacañang kay House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagpapaliwanag kaugnay sa kinu-kwesyong higit P50 million halaga ng cauldron na gagamitin sa pagbubukas ng 2019 South East Asian Games (SEA Games).
Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng pagkuwestiyon ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon sa higit P50 million na pondo para sa cauldron na katumbas na umano ng 50 classrooms.
Sinabi ni Sec. Panelo, na kayang idepensa ni Speaker Cayetano ang pondong ito lalo hindi naman umano ito gumagawa ng hindi tama sa pera ng taongbayan.
Gayunman, ayon kay Sec. Panelo, bilang head ng Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), accountable sa lahat ng usaping mayroong kinalaman sa SEA games at responsibilidad rin nito ang ano mang makikitang iregularidad dito.