-- Advertisements --

Agad ipinagdasal ng mga kongresista ang bagong House Speaker ng Kamara na si Taguig City Rep. Alan Peter Cayeteno matapos mahalal nitong araw.

Pumwesto sa harap ng plenaryo ang ilang kongresista, itinaas ang kanilang mga kamay at nagdasal sa pangunguna ni CIBA Cparty-list Rep. Bro. Eddie Villanueva.

Sa botong 226, naihalal si Cayetano bilang ika-22 speaker ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Tinalo nito ang kapwa nominado na si Manila 6th DIstrict Rep. Bienvenido Abante Jr. na nakalikom naman ng 28 votes.